March 09, 2025

Home SHOWBIZ

'OMG Nakaka-excite!' JaDine, magbabalik?

'OMG Nakaka-excite!' JaDine, magbabalik?
Photo Courtesy: Janno Gibbs (IG)

Nagbigay ng pahiwatig ang singer-actor na si Janno Gibbs tungkol sa umano’y pagbabalik ng tambalang “JaDine.”

Sa latest Instagram post ni Janno kamakailan, makikita ang larawan nila ni award-winning actress Nadine Lustre na magkasama.

“JaDine is Back Soon,” saad ni Janno.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:"The JaDine that I will support "

KILALANIN: Kapuso at Kapamilya housemates sa Bahay ni Kuya

"Eto ang legit na JaDine Sir "

"Omg nakaka- excite naman accck ito lang tatanggapin namin JaDine"

"Natawa ko sa caption. Payag kami basta Janno"

"Can't wait Jadine is back. "

"Pumogi si James Reid diyan idol"

"Ay kapag eto na JADINE payag na payag ako "

Samantala, isang netizen naman ang nangahas magtanong sa comment section kung saan magkakasama sina Nadine at Janno.

“Sa TV5 po ba ito? Napansin ko po na parang kahawig ng logo ng Masked Singer yung nasa likod.”

Komento naman ni Janno, [thumbs up emoji].

Ang “Masked Singer Pilipinas” ay isang television reality competition show na ibinase sa “King of Masked Singers” ng South Korea.

Matatandaan na dating naka-love team ni Nadine ang aktor na si James Reid at nakilala ang tambalan nila bilang “JaDine.”

Pero sa kasalukuyan, ang karelasyon na ni Nadine ay ang French-Filipino entrepreneur na si Christophe Bariou at si Jame naman ay si Issa Pressman.