May 21, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Susan Africa, hindi na inuubo pero mukhang sasakit ang ulo

Susan Africa, hindi na inuubo pero mukhang sasakit ang ulo
Photo courtesy: Screenshot from Netflix (FB)

Kinaaliwan sa social media ang ilang reaksiyon at komento ng netizens patungkol sa bagong role ng beteranang character actress na si Susan Africa, sa acton series na "Blood vs Duty" na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.

This time kasi, hindi na mahirap at "ubuhin" ang papel niya kundi isang doktora at nanay siya rito ng karakter ni Richard.

Pero kung hindi man uubuhin, mukhang "sakit ng ulo" naman ang haharapin niya dahil sa mga problemang haharapin ng anak niya sa serye.

Ibinahagi kasi sa Facebook page ng Netflix ang video clip ng isang eksena mula sa serye kung saan napagbintangan ang kaniyang anak sa isang "massacre" sa isang komunidad.

Makikitang napahawak na lang sa ulo niya si Susan dahil sa isyung kahaharapin ng karakter ni Richard.

Teleserye

Ivana, windang sa halik ni Joshua: 'Grabe kang sumipsip!’

Aliw din ang caption ng post, "jusko uubuhin na naman sa stress si susan africa."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Hindi nga ubuhin, pero mukhang madalas namang sasakit ang ulo haha"

"Hahaha parang sasakit ulo niya sa anak niya hahaha."

"Ba-bye ubo, hello sakit ng ulo!"

SUSAN AFRICA: STAR FOR ALL UBO

Sunod-sunod nga ang proyekto ni Susan sa Kapamilya Network, kung saan, kasama rin siya sa nagtapos na action series na "FPJ's Batang Quiapo" ni Coco Martin.

Hindi naman ubuhin ang role niya sa nagtapos na serye, pero kagaya ng iba pa niyang madalas na role, nasa "mahirap level" pa rin.

Sa media conference nga ng Blood vs Duty, pabirong natanong ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe si Susan kung inuubo ba ang role niya rito.

"Ay hindi," nakangiti namang pakli ni Susan.

Maki-Balita: New role unlocked: Susan Africa hindi na ubuhin, doktora na!

Matatandaang nabansagang "Star For All Ubo" si Susan dahil kadalasang inuubong mahirap na nanay ang role niya sa serye o pelikula.

Very iconic ang naging role niyang "Susan" sa soap operang "Mara Clara" na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes noong 90s.

Noong 2024, bumida si Susan sa isang advertisement ng isang gamot para sa ubo, at dito siya tinaguriang Star For All Ubo.

Sa nabanggit na patalastas, ipinakita ni Susan ang kaniyang "acting prowess" sa kung paano ineexecute sa iba-ibang eksena at role ang pag-ubo.