December 13, 2025

Home BALITA National

Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Wala pang isang oras matapos ang magnitude 4.4 na lindol sa Abra, isa namang magnitude 4.5 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Occidental Mindoro bandang 9:07 ng umaga nitong Linggo, Marso 9.

Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Looc, Occidental Mindoro, na may lalim na 42 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Instrumental Intensities:

Intensity III - City of Tagaytay , CAVITE

Intensity II - City of Calapan , ORIENTAL MINDORO

Intensity I - Batangas City, BATANGAS; Abra De Ilog, OCCIDENTAL MINDORO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.

Matatandaang kanina lamang 8:18 ng umaga nang yanigin naman ng magnitude 4.4 na lindol ang Langiden, Abra, na unang itinaas ng Phivolcs bilang magnitude 4.1.

Inirerekomendang balita