February 24, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking bibili lang ng ulam, nasaksak sa mukha

Lalaking bibili lang ng ulam, nasaksak sa mukha
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (FB)

Napagtripan umano ang isang 23-anyos na lalaki mula sa Rodriguez, Rizal matapos masaksak ng isang suspek na nasa inuman nitong Linggo ng madaling-araw, Pebrero 23.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, bibili lang sana ng ulam ang biktima nang masiraan ang motorsiklong sinasakyan nila ng kasama, malapit sa lugar kung saan nagaganap ang inuman ng grupong kinabibilangan ng suspek.

Nang inaayos na raw nila ang motorsiklo, lumapit daw ang suspek at biniro silang pasabugin na lang ang sasakyan, gamit ang lighter.

Matapos daw ang biro ng suspek ay nagkainitan sila ng biktima na umabot na sa sapakan. Ayon kay PLtCol. Paul Sabulao, chief of police ng Rodriguez MPS, pumasok daw sa bahay niya ang suspek at kumuha ng balisong. Inundayan daw ng saksak ang biktima na nasapul naman sa mukha.

Probinsya

Pagbaril kay Maguindanao del Sur Mayor Samama, kinondena ng MILG

Katwiran naman daw ng suspek, tila nagdilim daw ang kaniyang paningin nang huminto sila sa tapat ng kanilang inuman. Palagay raw niya ay kursunada raw talaga nilang magpapansin sa kanilang mga nag-iinuman. 

Pahayag naman ng kapatid ng biktima, itutuloy nila ang demanda laban sa suspek, lalo't nag-iwan ng peklat ang hiwa ng patalim sa mukha ng biktima.

Nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong frustrated homicide. 

Hindi naman binawian ng buhay ang nabanggit na biktima, na nasa maayos na kalagayan na.