Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Linggo ng madaling araw, Pebrero 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:31 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 18 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, na may lalim na 6 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II - City of Borongan, EASTERN SAMAR; Abuyog at Dulag, LEYTE
Intensity I - Calubian at Carigara, LEYTE; Gandara, SAMAR
Ang naturang lindol ay isang aftershock mula sa magnitude 5.3 na lindol na yumanig sa baybayin ng Eastern Samar noong Pebrero 14, 2025.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks at pinsala ng lindol.