March 14, 2025

Home BALITA National

3 weather systems, patuloy na umiiral sa bansa

3 weather systems, patuloy na umiiral sa bansa
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa rin ang pag-iral ng shear line, easterlies, at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bansa ngayong Linggo, Pebrero 16, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang shear line, o ang linya kung saan nagsasalubong ang mainit at malamig na hangin, ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Batanes at Babuyan Islands.

Malaki rin ang tsansang makaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon dulot ng easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Inaasahang magdadala ang ITCZ, o ang linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres, ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa Davao Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, Sultan Kudarat, South Cotabato, at Sarangani.

National

NBI, nagkomento sa umano'y 'pag-aresto kay FL Liza' sa LA

Pinag-ingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, malaki rin ang tsansang magdudulot ang easterlies ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms din ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).