February 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Revilla, aminadong 'nagbudots' sa Senado

Sen. Revilla, aminadong 'nagbudots' sa Senado
Photo courtesy: Ramon Bong Revilla Jr./Facebook

Sinagot ni reelectionist Senator Bong Revilla ang ilan sa mga umano’y bumabatikos sa kaniya hinggil sa pagiging “Mr. Budots” nito sa Senado. 

Sa isang ambush interview, diretsahang iginiit ni Sen. Revilla ang naging resulta umano ng pagbubudots niya sa Senado. 

"Budots, totoo po 'yon, budot nang budots si Bong Revilla, pero yung budots na 'yan, yung mga batas na nagawa ko na," anang Senador.

Ipinagmalaki rin niya ang bilang daw ng kaniyang mga batas na naipasa na bunga raw ng pagbudots. 

Eleksyon

Willie Ong, inatras kandidatura sa pagkasendor

"Out of 2,000 na nai-file ko, 343 batas na ngayon. 'Yon, nagbudots si Bong Revilla sa Senado. Kaya ayos 'yan kahit magbudots na tayong lahat," ani Revilla. 

Isa si Revilla sa 12 senatorial candidates na inendorso ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na opisyal na senatorial slate ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

Matatandaang nakilala sa pagsasayaw ng budots si Revilla matapos niya itong gawin bilang isa sa mga campaign ads niya noong 2019 midterm elections.