February 11, 2025

Home BALITA National

Meralco, may dagdag-singil ngayong Pebrero

Meralco, may dagdag-singil ngayong Pebrero
MANILA BULLETIN FILE PHOTO

Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng dagdag-singil sa kuryente ngayong Pebrero.

Ayon sa Meralco nitong Martes, Pebrero 11, may pagtaas na 28 sentimo kada kilowatt hour (kWh) bunsod na rin ng pagtaas ng generation charges.

Anang Meralco, nangangahulugan ito ng ₱57 na karagdagang bayarin sa mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan at ₱85 naman sa nakakagamit ng 300 kWh kada buwan.

Ang mga kumukonsumo naman ng 400 kWh kada buwan ay may dagdag na ₱113 sa kanilang bayarin habang ₱142 naman ang madaragdag sa bayarin ng mga tahanang nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.

National

Couples sa Feb. 14, may libreng ₱100-worth ng 4D lotto tickets; alamin kung paano