February 07, 2025

Home BALITA National

Akbayan Rep. Cendaña 'agree' sa 'God save the Philippines' ni VP Sara

Akbayan Rep. Cendaña 'agree' sa 'God save the Philippines' ni VP Sara
Rep. Perci Cendaña (Photo: Santi San Juan/MB), VP Sara Duterte (screenshot: OVP via BALITA/Facebook)

Sang-ayon si Akbayan Representative Perci Cendaña sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes, Pebrero 7 hinggil sa kaniyang impeachment.

"Vice President Sara Duterte’s plea of 'God save the Philippines' is deeply ironic coming from someone who has consistently failed to save public funds from misuse, protect education from corruption, and defend our fisherfolk and frontliners from China’s harassment in the West Philippine Sea," saad ni Cendaña nito ring Biyernes.

Dagdag pa niya, "If anyone should be saying 'God save the Philippines,' it’s the people suffering from her and her family’s corruption, incompetence, and impunity."

"If the Vice President is seeking salvation, she should start with truth and accountability. Instead of invoking God to evade responsibility, she must answer for the millions in confidential funds, her failure to stand against China’s aggression, and her lack of compassion for Filipinos in crisis."

National

‘Bakit kaya?’ VP Sara, napatanong ba’t haharangin ni Sen. Imee impeachment laban sa kaniya

Humarap sa media si Duterte nitong Biyernes, Pebrero 7, para tugunin ang mga humihingi ng kaniyang reaksyon at komento hinggil sa kaniyang impeachment.

"Ang tanging masasabi ko na lamang sa puntong ito ay God save the Philippines," simpleng saad ng bise presidente.

BASAHIN:  VP Sara sa kaniyang impeachment: 'God save the Philippines'

Matatandaang na-impeach ang bise presidente matapos lumagda sa ikaapat na impeachment complaint ang 215 mambabatas.

BASAHIN: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte