Tila tikom ang bibig ni Vice President Sara Duterte matapos pirmahan ng mga mambabatas ang pinetisyong impeachment laban sa kaniya.
Sa ulat ng News 5 nitong Miyerkules, Pebrero 5, tumanggi muna siyang magbigay ng pahayag hangga’t hindi pa raw niya nababasa ang official statement ng impeachment.
"Mahirap mag-react kung hindi natin nababasa kung ano 'yung official statement nila. Baka masobrahan o magkulang 'yung reaction. So, kailangan natin antayin," saad ng bise-presidente.
Matatandaang 215 miyembro ng House of Representative ang pumirma sa ikaapat na impeachment na inihain laban kay Duterte.
Lagpas na ito mula sa requirement na one-third o 102 mga miyembro ng Kamara upang maka-usad ang impeachment complaint sa Senado.
MAKI-BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte