February 03, 2025

Home BALITA National

Amihan, easterlies, patuloy ang pag-iral sa bansa – PAGASA

Amihan, easterlies, patuloy ang pag-iral sa bansa – PAGASA
Courtesy: Phivolcs/website

Patuloy pa rin ang pag-iral ng northeast monsoon o amihan at easterlies sa bansa ngayong Lunes, Pebrero 3, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang easterlies—na tumutukoy naman sa mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko—ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga. Posible raw ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Inaasahan namang magdadala ang malamig na hanging amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang katamtamang mga pag-ulan sa Batanes, Cagayan, at Apayao; at ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Ilocos Region, mga natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley. Wala namang inaasahang malaking epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms din ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil pa rin sa easterlies. Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

National

Leody, iginiit na walang napala ang Pinas sa dating administrasyon nina Gloria at Cory

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).