February 02, 2025

Home BALITA Politics

Luke Espiritu sa pagsugpo sa droga: 'Ayan ay tokhang mentality ni Duterte'

Luke Espiritu sa pagsugpo sa droga: 'Ayan ay tokhang mentality ni Duterte'

Hindi pabor si senatorial aspirant at labor leader Atty. Luke Espiritu na dumaan sa mandatory random drug testing ang mga elected at appointed government officials. 

Sa ginanap na “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025" nitong Sabado ng gabi, Pebrero 1, sinabi ni Espiritu na hindi siya pabor sa mandatory drug testing sa mga elected at appointed government officials dahil hindi raw “magic formula" ang pagsugpo sa droga. 

“Ang pagsugpo sa droga ay hindi ‘yan magic formula para resolbahin ang mga kabulukan sa gobyerno. Nandyan na naman tayo eh, ginagamit na naman natin ang droga bilang pinagkakasya natin ang problema ng buong bayan… ayan ay tokhang mentality ni [dating pangulong Rodrigo] Duterte. 

“Kaya ‘yan lumabas dahil aminin na natin nababanggaan si [Bongbong] Marcos at si Duterte. Si Duterte pinaparatangan niya si Marcos na bangag—kaya mayroon tayong mandatory drug testing na ganyan. Sawang-sawa na ang taumbayan sa bangayan [nina] Marcos at Duterte. Pag-usapan ninyo yung tunay na isyu sa kahirapan hindi yung mga droga-droga na ‘yan,” dagdag pa niya. 

Politics

Rodriguez sa pag-alis niya sa Malaca<b>ñang: 'Hindi ko masikmura ang korupsiyon!'</b>

Matatandaang kamakailan lamang ay iginiit ni dating executive secretary at senatorial aspirant Vic Rodriguez na dapat sumailalim si Marcos sa hair follicle drug test, kung saan binanggit niya ang Constitutional principle na ang “public office” ay isang “public trust.”

Kaya naman iginiit ni Marcos na hindi siya sasailalim sa hair follicle drug test dahil wala raw ito kinalaman sa “public trust.”

BASAHIN: PBBM sa hamon ni Rodriguez na mag-follicle drug test: ‘Why should I do that?’