January 31, 2025

Home BALITA National

PBBM, dinepensahan 2025 nat’l budget: ‘I can’t find those damned blank items!’

PBBM, dinepensahan 2025 nat’l budget: ‘I can’t find those damned blank items!’
Pangulong Bongbong Marcos Jr. (RTVM via MB)

Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang blangko sa ₱6.352-trillion General Appropriations Act (GAA) o 2025 national budget matapos maghain sina Atty. Vic Rodriguez at Davao City Rep. Isidro Ungab ng petisyon sa Korte Suprema kontra rito.

Matatandaang noong Martes, Enero 28, nang ibinahagi ni Rodriguez ang kopya ng inihain nilang petisyon sa SC na naglalayong ipawalang-bisa ang GAA dahil sa mga blangko umano rito “na nagkakahalaga ng daang bilyong piso.”

MAKI-BALITA: Petisyong ipawalang-bisa 2025 nat’l budget, isinampa nina Rodriguez at Ungab sa SC

Sa kaniya namang talumpati sa 20th National Convention of Lawyers sa Cebu City nitong Huwebes, Enero 30, sinabi ni Marcos na siniyasat niya ang buong 4,057 na pahina ng GAA at wala raw siyang nakitang blangko rito.

National

Romualdez, inalala dedikasyon ni Lagman para sa ‘human rights, good governance, social justice’

“I reviewed it, analyzed it, and even vetoed parts of it. So for those of you, up to now, I can’t find those damned blank items,” ani Marcos.

“We’ll keep looking, but I really am convinced they simply do not exist because it is not allowed to exist,” saad pa niya.

Matatandaang noong Enero 18, 2025 nang sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na Duterte na tila may nakikita raw siyang mali sa budget ng bansa ngayong taon.

“For sure sa exact standard ng ating batas, lalo na money appropriations must appear true and correct value what would be application for public money. Pagka gano’n there’s something terribly wrong,” saad ni Duterte.

“As a matter of fact, kung may mga blangko ‘yan lumusot, that is not a valid legislation. Kung sa batas na ‘yan, lumabas na ‘yan ng blangko-blangko, either it could be filled up before or after,” dagdag niya.

MAKI-BALITA: FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

Sinabi naman ni House Appropriations Committee acting chairperson Stella Quimbo na nagkaroon nga umano ng mga blangko sa bicameral conference committee report ng national budget, ngunit iginiit din niyang napunan ito bago pa pirmahan ang batas.

Inirerekomendang balita