January 23, 2025

Home BALITA National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8
Courtesy: Phivolcs/website

Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa magnitude 5.8 mula sa magnitude 5.9 ang lindol na yumanig sa San Francisco, Southern Leyte dakong 7:39 ng umaga nitong Huwebes, Enero 23.

Sa pinakabagong update ng Phivolcs, namataan ang epicenter ng nasabing magnitude 5.8 na lindol 6 kilometro ang layo sa timog-silangan ng San Francisco, Southern Leyte, na may lalim na 14 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig sa mga sumusunod:

Intensity VI - San Francisco, SOUTHERN LEYTE

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Intensity V - Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Liloan, Padre Burgos, Pintuyan, San Juan, at San Ricardo, SOUTHERN LEYTE

Intensity IV - Abuyog, Bato, City of Baybay, Hilongos, Hindang, at Inopacan, LEYTE; Bontoc, Limasawa, City of Maasin, Macrohon, Malitbog, Saint Bernard, Silago, Sogod, at Tomas Oppus, SOUTHERN LEYTE

Intensity III - CITY OF CEBU; Alangalang, Albuera, Barugo, Burauen, Carigara, Dagami, Dulag, Jaro, Javier, Julita, Kananga, Macarthur, Mahaplag, Mayorga, Merida, Palo, Santa Fe, Tanauan, at Tolosa, LEYTE; City of Surigao, SURIGAO DEL NORTE

Intensity II - Babatngon, Isabel, at Palompon, LEYTE; CITY OF CAGAYAN DE ORO

Naitala rin ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V - Hinundayan, Padre Burgos, at San Juan, SOUTHERN LEYTE

Intensity IV - Hinunangan, City of Maasin, at Sogod, SOUTHERN LEYTE; City of Surigao, SURIGAO DEL NORTE

Intensity III - Carigara, Dulag, Kananga, at Palo, LEYTE; ORMOC CITY; CITY OF CAGAYAN DE ORO

Intensity II - City of Roxas, CAPIZ; City of Bogo, CEBU; Leyte, LEYTE; Gandara, SAMAR; City of Gingoog, MISAMIS ORIENTAL

Intensity I - San Francisco, CEBU; Can-Avid, EASTERN SAMAR; Mambajao, CAMIGUIN

Pinag-iingat pa rin ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Inaasahan din daw na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.