Nagbigay ng reaksiyon si Senador Risa Hontiveros kaugnay sa ₱6.352-trillion national budget na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa 2025.
Sa eksklusibong panayam ng “Unang Balita” kay Hontiveros nitong Miyerkules, Enero 22, itinanggi ni Hontiveros ang alegasyon na may blangko umano ang 2025 General Appropriations Act (GAA).
“Hindi ako makapaniwala na kahit aling Kongreso natin, pati 'yong amin ngayon, ay magpapasa ng isang panukalang batas o General Appropriations Act na may blangko pa na linya," saad ni Hontiveros.
Dagdag pa niya, “Wala akong nakitang blangko nu'ng hindi ko pinirmahan ang bicam report at no'ng bumoto kami ni Senator Koko ng 'no' sa GAA. Kasi kahit kumontra ako sa budget na 'yan in its final form ay hindi ako naniniwala na ipinasa 'yan ng Kongreso na may blank page pa."
Matatandaang sa isang episode ng “Basta Dabawenyo” noong Sabado, Enero 18, sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tila may nakikita raw siyang mali sa budget ng bansa ngayong taon.
MAKI-BALITA: FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'
Ngunit pinabulaanan ang sinabing ito ni Duterte sa inilabas na pahayag ng Malacañang at mismong si PBBM.
MAKI-BALITA: Malacañang, kinondena pagpapakalat ng fake news tungkol sa 2025 national budget
MAKI-BALITA: PBBM, dumipensa sa mga alegasyon ni FPRRD sa 2025 nat'l budget: 'He's lying!'