January 20, 2025

Home BALITA National

PBBM, ibi-veto ang Adolescent Pregnancy Bill: ‘This is ridiculous’

PBBM, ibi-veto ang Adolescent Pregnancy Bill: ‘This is ridiculous’
Photo courtesy: Bongbong Marcos/Facebook

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibi-veto niya ang Senate Bill 1979 o “Prevention of Adolescent Pregnancy Act” kung maipasa raw ito sa kasalukuyan nitong mga nilalaman.

Sa isang ambush interview nitong Lunes, Enero 20, sinabi ni Marcos na nabasa na raw niya nang detalyado noong weekend ang Senate Bill 1979, at hindi raw siya sang-ayon sa ilan umanong bahagi ng panukalang batas.

“I was shocked and I was appalled by some of the elements of that. Because this is, all this woke that they are trying to bring into our system. You will teach four-year olds how to masturbate, that every child has the right to try different sexualities,” ani Marcos.

“This is ridiculous. It is abhorrent. This is a travesty of what sex education should be to the children.”

National

Marbil, muling iginiit na dapat ‘apolitical’ mga pulis sa eleksyon: ‘Let’s give dignity to our uniform’

Matatandaang kamakailan lamang ay pinabulanan ni Senador Risa Hontiveros na nasa ilalim ng inihain niyang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill ang pagtuturo umano ng “masturbation” sa mga batang edad 0 hanggang 4 taon ang edad at maging ang pagtuturo ng “bodily pleasure” sa mga bata.

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinabulaanang nasa Adolescent Pregnancy Bill pagtuturo ng ‘bodily pleasure’ sa mga bata

Samantala, sa nasabing panayam ay binanggit ng pangulo na tulad ng naging pahayag niya kamakailan ay naniniwala pa rin daw siya sa sex education pagdating sa pagtuturo sa mga estudyante hinggil sa anatomy at panganib ng maagang pagbubuntis.

“Let me be very very clear, I still believe that sex education in terms of teaching the kids the anatomy of the reproductive systems of male and female is extremely important. The consequences of early pregnancy, the prevalence of HIV. Kailangan ituro lahat ‘yan para alam ng mga kabataan. Pero ‘yung mga sinama nila na mga woke na absurdities are abhorrent to me,” ani Marcos.

“I’m already guaranteeing hindi pa napasa ito pero if this bill is passed in that form, I guarantee all parents, teachers, and children, I will immediately veto it,” saad pa niya.

Sa kasalukuyan ay pending pa rin sa Senado ang Prevention of Adolescent Pregnancy Act, habang noong Setyembre 2023 nang pumasa sa ikatlo at huling pagdinig ang counterpart nito sa Kamara na House Bill No. 8910.