January 19, 2025

Home BALITA National

FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'
Photo Courtesy: FPRRD Supporters, RTVM (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa national budget ngayong 2025.

Sa latest episode ng “Basta Dabawenyo” nitong Sabado, Enero 18, sinabi ni Duterte na tila may nakikita raw siyang mali sa budget ng bansa ngayong taon.

“For sure sa exact standard ng ating batas, lalo na money appropriations must appear true and correct value what would be application for public money. Pagka gano’n there’s something terribly wrong,” saad ni Duterte.

“As a matter of fact, kung may mga blangko ‘yan lumusot, that is not a valid legislation. Kung sa batas na ‘yan, lumabas na ‘yan ng blangko-blangko, either it could be filled up before or after,” wika niya.

National

Pro-BBM, Kakampink vloggers, nakiisa sa 'Pro-Impeach Sara Rally' sa EDSA

Dagdag pa ng dating pangulo, “Pagka putol-putol ‘yan o may kulang, that is not a valid budget for implementation.”

Matatandaang pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Disyembre 30, 2024 ang panukalang ₱6.352-trillion national budget para sa 2025 

MAKI-BALITA: PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025

Samantala, inanunsiyo naman kamakailan ng Office of the Vice President na wala raw silang pondo para sa medical and burial assistance program.

MAKI-BALITA: OVP, walang pondo sa kanilang medical and burial assistance program