January 10, 2025

Home BALITA Probinsya

'Bawal judgemental?' Lalaking nilait ang katrabaho, tinaga sa ulo!

'Bawal judgemental?' Lalaking nilait ang katrabaho, tinaga sa ulo!
Photo courtesy: Pexels

Sugatan ang isang lalaki matapos tila mapikon ang kaniyang nilait na katrabaho, dahilan kung bakit tinaga raw siya nito sa ulo.

Ayon sa ulat ng 103.1 Brigada News FM Palawan nitong Biyernes, Enero 10, 2025, nangyari ang insidente sa compound mismo ng pinagtatrabahuhan ng suspek at biktima sa Barangay Tubtub, Brooke’s Point, Palawan noong Huwebes, Enero 9.

Batay sa naturang news outlet, sinabihan daw ng biktima ang suspek ng: “kalaki ng katawan mo, siya namang liit ng utak mo.”

Samantala, hindi naman nabanggit sa kaukulang ulat ang kasalukuyang lagay ng biktima, habang nagkasa na raw ng operasyon ang pulisya upang matunton ang suspek na agad din umanong tumakas. 

Probinsya

14-anyos na dalagita, ginahasa umano ng amain at 19-anyos na kapatid