Naging emosyunal sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos habang nakikinig sa pag-awit ni Sofronio Vasquez ng kaniyang winning piece na "A Million Dreams," sa sinalihang The Voice USA Season 26.
Sa ulat ng ABS-CBN News na mapapanood sa kanilang Instagram post, makikitang inawit ni Sofronio ang kanta mula sa pelikulang "The Greatest Showman" habang nasa harapan siya nina PBBM at FL Liza, sa Malacañang.
Makikitang habang umaawit at pinanonood siya nang malapitan ay nagpapahid ng luha si FL Liza.
Pagkatapos ng kanta ay nag-standing ovation ang pangulo sa kaniya.
Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Sofronio ang larawan nila ni PBBM.
"with the President of the Republic of the Philippines ," simpleng caption ni Sofronio sa kaniyang post.
MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez, wagi sa The Voice USA