May 22, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

'Nabunot na naman kami!' Chie Filomeno nag-react, GirlTrends next na raw sa Coachella

'Nabunot na naman kami!' Chie Filomeno nag-react, GirlTrends next na raw sa Coachella
Photo courtesy: Chie Filomeno (IG)/Balita File Photo

Kinaaliwan ng mga netizen ang reaksiyon ng Kapamilya actress na si Chie Filomeno sa pando-dogshow ng isang social media page sa defunct all-female group na "GirlTrend (GT)" ng noontime show na "It's Showtime" dahil sa hype ng inaabangang music and arts festival na "Coachella," na mas lalo pang nabigyan ng kabuluhan dahil sa performance ng Nation's girl group na "BINI" kamakailan.

Matatandaang nag-trending ang GirlTrends dahil sa mga hindi pagkakasabay-sabay sa sayaw at hataw nila noong 2019. Sa katunayan, patuloy pa ring ginagawan ng memes at nagiging katatawanan ang video clips nito.

Ang GT members sa nabanggit na dance performance, bukod kay Chie, ay sina Dawn Chang, Mica Javier, Krissha Viaje, Mikee Agustin, Jessica Marasigan, Joana Hipolito, at Sammie Rimando.

Ang nabanggit na sing-and-dance production number ay sa saliw ng "How Do You Sleep" ni Sam Smith.

Maki-Balita: Palpak performance ng GT, pinagpiyestahan

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

Sa Instagram post ng social media page na "Kabulastugan," muling shinare at inupload ang viral video clip ng hindi sabay-sabay na sayaw ng GT.

"humanda kayo next year, coachella," mababasa sa text caption.

"the group we keep failing to send," saad pa.

Hindi naman ito nakaligtas sa kaalaman ng isa sa mga miyembro ng GT na si Chie Filomeno, at kinomentuhan.

Batay sa komento ni Chie, mukhang natawa at naaliw na lang din siya at hindi naman nagalit dahil sa muling pag-resurface ng video nila.

"Teeeeh, nabunot nanaman kami!! HAAHHAHAHAHAH," komento ni Chie.

Photo courtesy: Screenshot from Kabulastugan/IG

Sa katunayan, shinare pa nga ito ni Chie sa kaniyang Instagram story.

Photo courtesy: Screenshot from Chie Filomeno/IG

Noong 2016 inilunsad bilang girl group ng Showtime ang GirlTrends, na may 22 members kasama sina Chie at Dawn, na nagkaroon pa nga ng di-pagkakaunawaan matapos ang parinigan nila sa social media.

Sa isang panayam, sinabi ng isa sa mga dating miyembro ng girl group na si Dawn Chang na iba-iba sila ng schedule noon kaya hindi magkatagpo-tagpo pagdating sa rehearsal.

Isa pa raw, hindi raw lahat sa kanila ay "performer" pagdating sa sayawan.