Nagbigay umano ng reaksiyon ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial tungkol sa pagkakaugnay niya sa co-star niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” na si John Estrada.
Matatandaang dahil umano sa isang English article na lumabas kamakailan, kumalat ang tsikang pinapaalis na umano si Barbie ng rumored-boyfriend niyang si Richard Gutierrez sa naturang serye dahil nagkakamabutihan daw sila ni John.
Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Enero 3, tinuldukan na ni Barbie ang intriga sa pamamagitan ni showbiz insider Ogie Diaz.
“Ang sabi ni Barbie, ‘fake news po ‘yan, Kuya. Fake news ‘yan. Unang-una, hindi pa kami nagkikita ni John Estrada sa Batang Quiapo,’” sey ni Barbie, na sinambit naman ni Ogie.
Paliwanag pa ng showbiz insider, nasa magkaibang unit daw kasi ang dalawang artista kaya posible talagang hindi sila magkita pa.
“Kasi tatlong units ang ‘Batang Quiapo,’” aniya.
Kaya paalala ni Ogie, may mga English article din daw na gumagawa ng mga imbentong balita para magmukhang totoo.