December 18, 2024

Home BALITA National

SP Chiz, kinumpirma ‘bomb threat’ sa Senado

SP Chiz, kinumpirma ‘bomb threat’ sa Senado
Photo courtesy: Chiz Escudero, Senate of the Philippines/Facebook

Kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero na nakatanggap ng bomb threat ang Senado noong Martes, Disyembre 17, 2024.

Sa panayam ng media kay Escudero nitong Miyerkules, Disyembre 18, nilinaw ng Senate President ang naturang banta sa seguridad ng senado.

“Yes… through the Senate’s social media account... While it was not considered as a credible and serious threat, the Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) is nevertheless taking the necessary precaution,” anang Senate President. 

Samantala, ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News nitong Disyembre 18, nagpatupad na raw ng paghihigpit sa seguridad sa buong senado. Kabilang dito ang masusing inspeksyon umano ng mga sasakyang papasok sa bisinidad ng naturang sangay ng gobyerno, kung saan kinakailangang bukas ang bintana ng mga ito bago tuluyang pahintulutang makapasok.

National

Gobyerno, CPP-NPA, walang tigil-putukan sa holiday season<b>—Teodoro</b>

Kaugnay nito, ipinagbigay-alam din daw ni Senate Secretary Renato Bantug na ang lahat ng empleyado ng Senado ay maaari nang hindi pumasok simula Disyembre 20 bilang pagbibigay daan sa Kapaskuhan, alinsunod umano sa utos ng Senate President.

Ngayong araw nakatakda ang huling sesyon ng senado at kongreso ngayong 2024 at nakatakdang bumalik sa Enero 6, 2025.