December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Rita, rumesbak sa counter affidavit ni Archie

Rita, rumesbak sa counter affidavit ni Archie
Photo Courtesy: Screenshots from GMA News (FB)

Pinalagan ni Kapuso actress Rita Daniela ang inihaing counter-affidavit ng aktor na si Archie Alemania laban sa isinampa niyang kaso rito.

Sa ulat ni Oscar Oida noong Martes, Disyembre 17, isinumite umano ni Rita ang anim na pahinang reply affidavit sa Bacoor Hall of Justice.

Ayon sa kampo ni Rita, tila ang paghahain daw ni Archie ng counter-affidavit ay hindi pagtanggi kundi pag-amin sa kasong act of lasciviousness na isinampa sa aktor.

MAKI-BALITA: Resbak: Archie Alemania, naghain ng counter-affidavit laban kay Rita Daniela

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bagama’t hindi dumalo, nagpadala naman ng kinatawan si Archie sa Bacoor upang kumuha ng kopya ng reply affidavit ni Rita.

Matatandaang isinampa ni Rita ang naturang reklamo kay Archie dahil sa ginawa umano nitong harassment sa kaniyanang minsan daw siayng alukin nitong ihatid pauwi.

MAKI-BALITA: Rita Daniela, sinampahan ng kasong ‘acts of lasciviousness’ si Archie Alemania

Sa kasaluluyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag si Archie hinggil sa hakbang na ito ni Rita.

Inaasahan namang dadalo raw sa Enero 7 si Archie para ipagpatuloy ang pagpapagulong sa paunang imbetigasyon ng naturang kaso.