December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kim Chiu, dinedma ni Kathryn Bernardo?

Kim Chiu, dinedma ni Kathryn Bernardo?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Iniintriga raw ng mga netizen ang isang video clip na lumulutang kung saan makikitang tila dinedma umano ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo si “It’s Showtime” host Kim Chiu.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Disyembre 16, itinampok ni showbiz insider Ogie Diaz ang naturang video at kinomentuhan.

“Iniintriga ngayon sina Kim Chiu at Kathryn Bernardo…May hidwaan daw ba ang dalawang ito? Ayun na nga, e kasi naman ginawang basehan ng mga netizen ang nag-viral na video kung saan bineso ni Kathryn si Piolo sumunod si Paulo Avelino,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Pero parang dedma raw si Kathryn kay Kim Chiu. Diyos ko naman, as far as we know, wala namang gap ‘yong dalawa. Kaya karamihan sa comment section ay naiirita sa mga nang-iintriga na hindi okay sina Kathryn at Kim Chiu.”

Tsika at Intriga

Enrique Gil, ayaw pagbigyan ng interview si Ogie Diaz?

Kaya payo ni Ogie sa mga netizen na panay husga, magpahinga raw muna. Baka naman kasi nagbatian na ang dalawa bago pa man makunan ng video.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Kim o Kathryn hinggil sa nasabing intriga.