Tila masusundan pa ang box-office hit na “Hello, Love, Again” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa direksyon ni Direk Cathy Garcia-Sampana.
Sa latest episode ng “On Cue” nitong Lunes, Disyembre 16, sinabi ni Direk Cathy na sa totoong buhay, hindi naman daw natitigil ang paglago ng tao.
“In real life, tayo, we don’t stop growing. We don’t stop encountering new problems and things that will put your character to the test,” saad ni Direk Cathy.
“Kahit sabihin mong natuto na tayo, mayro’n talagang darating na icha-challenge ulit ‘yong natutunan mo. And therefore, we don’t stop growing and reaching ‘yong the best of us. We continue to become better,” wika niya.
Dagdag pa niya, ”I know that there’s no story that you put an end to. Parang feeling ko, these characters grow. And they will have new problems. So, sabi ko puwede pa hangga’t buhay sina Joy at Ethan you can always make stories from them.”
Pero nagagalit daw ang script writer—hindi dahil sa ayaw na nitong ituloy pa ang kuwento nina Ethan at Joy—kundi dahil sa nararamdamang pressure mula sa dalawang naunang pelikula.
Matatandaang sa ginanap na VIP screening ng “Hello, Love, Again” kamakailan ay nagpaalam na sina Alden at Kathryn sa mga karakter na ginampanan nila sa naturang pelikula.
MAKI-BALITA: Alden, Kathryn nagpaalam na sa mga karakter nila sa 'Hello, Love, Again'