December 16, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Juday, na-fall noon sa ka-loveteam?

Juday, na-fall noon sa ka-loveteam?
Photo Courtesy: Judy Ann Santos (IG)

Tila nauunawaan ni “Queen of Soap Opera” Judy Ann “Juday” Santos ang mga artistang napo-fall sa kanilang ka-love team tulad ng nangyari kina Anthony Jennings at Maris Racal.

Sa ulat ng GMA Entertainment noong Linggo, Disyembre 15, nausisa raw si Juday kung posible bang mahulog ang loob sa isa’t isa ng mga artistang pinagtatambal sa pelikula man o serye.

“Ako pa ba ang hindi makakaalam diyan? Ako pa ba ang hindi makakaintindi diyan? Maka-ilang beses kang… Ay, tapos na yun?” saad ni Juday.

Dahil dito, naitanong tuloy sa aktres kung sino ang co-actor ang nakapagpatibok ng kaniyang puso noon.

Relasyon at Hiwalayan

BINI Jhoanna, umaming may manliligaw!

Pero sagot daw ni Juday, “Babalikan talaga natin 'yon?”

Ayon sa paliwanag ni Juday, pagdadaanan daw ito ng lahat ng artistang magkakaroon ng ka-loveteam dahil wala silang mapagpipilian.

“You always see each other, nagpo-promote kayo. Then, your network would tell you, 'O, kailangan mas sweet pa kayo, ha,'” wika niya.

Dagdag pa ni Juday, “May gano’n, let's be blunt, kasi binebenta ninyo ang pelikula ninyo. Hanggang sa maging natural na ang sweetness ninyo kasi nga kayo na ang nagkikita araw-araw.”

Matatandaang sa video statement na inilabas ni Maris kamakailan ay inamin niyang nahulog ang loob niya kay Anthony matapos pumutok ang umano’y cheating issue ng dalawa.

MAKI-BALITA: Maris, nahulog ang loob; 'di alam na may jowa pa si Anthony

Kaya naman payo ni Juday sa mga batang artista, mag-ingat palagi dahil pwede raw mangyari ang kahit ano. Disiplinahin ang sarili at alamin ang bawat ginagawa.