December 16, 2024

Home BALITA National

'It's all just noise!' PBBM, dedma sa bashers ng administrasyon?

'It's all just noise!' PBBM, dedma sa bashers ng administrasyon?
Photo courtesy: Bongbong Marcos/Facebook

Tila hindi pinapansin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga kritiko ng kaniyang administrasyon matapos niyang igiit na maayos daw ang takbo ng gobyerno.

Sa ambush interview nitong Lunes, Disyembre 26, 2024, kasabay ng media year-end fellowship na ginanap sa Kalayaan Hall sa Malacañang, inihayag ng Pangulo ang estado raw ng pamahalaan sa kabila ng kabi-kabilang mga pahayag na umano'y umaatake sa kaniyang pamumuno. 

“The government is functioning properly. Although there's a lot of noise, that's all it is, it's all just noise,” anang Pangulo. 

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Nobyembre nang lumala ang hidwaan sa pagitan nina PBBM at Vice President Sara Duterte kaugnay nang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House of Representatives sa kuwestiyonableng paggamit daw ng Office of the Vice President (OVP) ng kanilang confidential funds at ng Department of Education (DepEd) na noo’y nasa ilalim ng liderato ng bise presidente. 

National

House Resolution para sa Presidential Pardon ni Mary Jane Veloso, isinulong!

KAUGNAY NA BALITA: Giit ni VP Sara, ginawa raw siyang 'punching bag' ng gobyerno para pagtakpan umano ang 'kalokohan' nito

Kaugnay nito, umugong din ang mga balita patungkol sa pagkalag daw ng Armed Forces of the Philippines laban sa administrasyong Marcos, Jr., matapos ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kumilos ang mga ito sa sa pagitan nina PBBM at VP Sara. 

KAUGNAY NA BALITA: Matapos banta ni VP Sara kina PBBM: AFP, mananatili raw ‘loyal’ sa Konstitusyon