December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Gary Valenciano, pinaiyak ng BINI

Gary Valenciano, pinaiyak ng BINI
Photo Courtesy: Screenshot from Maricel Soriano (YT), Manila Genesis (IG)

Ibinahagi ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang hindi raw niya makakalimutang kuwento tungkol sa Nation's female group na "BINI.”

Sa latest episode ng vlog ni Diamond Star Maricel Soriano noong Sabado, Disyembre 14, sinabi ni Gary na pinaiyak daw siya ng mga miyembro nito.

"Nag-rehearse sila sa isang warehouse sa Pasay. So habang pinapanood ko siyempre aliw na aliw ako kasi talagang tuloy-tuloy lang sila. Siguro mga first five, six songs nila puro mabibilis. So, sabi ko, wow grabe energy nito,” lahad ni Gary.

"Tapos ni-rehearse nila 'yong isang number nila with Regine kung saan ang mini-message nila 'yong kung ano 'yong advocacy nila which is [for the] deaf. So habang kumakanta si Regine—wala siya do’n sa rehearsal—-pero doon sa show habang kumakanta si Regine 'yong BINI nagsa-sign language,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya, “Saka hindi pa cute, a. 'Yong talagang galing [sa puso]. Ang ganda kasi ng mensahe. Napaiyak ako sa rehearsal nila." 

Napansin daw ng asawa ni Gary na si Angeli Pangilinan ang tagpong ito kaya inusisa nito kung bakit siya naging emosyunal.

“Kasi, Angeli, naaalala ko no’ng gano’n 'yong edad ko, no’ng kaya kong humataw nang todo-todo, nang tuloy-tuloy," sagot ni Gary.

Matatandaang sa isang panayam noong Marso ay inamin ni Gary na napapagod na rin daw siyang magtanghal lalo na ngayong magse-senior citizen na siya at may iniinda pang karamdaman.

MAKI-BALITA: Gary Valenciano, balak nang magretiro?