December 23, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya
Photo courtesy: Mon Confiado (FB)/Herlene Nicole Budol (FB)

Nakarating sa kaalaman ng premyadong aktor na si Mon Confiado ang naging pag-amin ni Herlene Budol na natakot siya sa kaniya matapos nilang magkatrabaho sa "Tadhana" ng GMA Network.

Sa panayam ni Mikee Quintos kay Herlene sa "Lutong Bahay" na napapanood sa GTV Channel 11, tinanong niya ang guest star kung sino sa mga nakasama na niya sa industriya ang ayaw na niyang makatrabaho at kung ano ang dahilan.

Sey ni Herlene, wala naman daw siyang mga kapwa artista na ayaw nang makatrabaho, lahat naman daw ay naging okay.

Pero binanggit ni Herlene ang mahusay na aktor dahil sa impresyon niya ritong nakakatakot.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Sinabi ni Herlene na gusto pa raw niyang makasama sa proyekto ang aktor pero aminado siyang natakot siya nang husto sa kaniya nang magkasama sila sa "Tadhana."

Sobrang galing daw kasi ni Mon pagdating sa kanilang eksena, at nakaramdam daw siya ng tunay na takot sa kaniya.

Pero bilib na bilib daw si Herlene sa angking kahusayan ni Mon.

"Grabe sobrang galing niya, talagang tinakot niya ako, pero gusto ko pa rin siyang makatrabaho..." anang Herlene.

Para sa kaniya, si Mon daw ang pinakamahusay na kontrabidang lalaking nakatrabaho niya, dahil totoong takot daw ang naramdaman niya sa aktor.

Shinare naman ni Mon sa kaniyang Facebook account ang video clip ng ulat ng GMA Public Affairs tungkol dito at nagpasalamat kay Herlene.

"Thank you," ani Mon. 

Komento naman ni Herlene, "Salamat din po sir Mon Confiado galing nyopo talaga!!!!! "

Tugon naman ni Mon, looking forward daw siyang makatrabaho si Herlene at pinuri din niya ang dalaga.

"Ang galing mo din! Let’s work again soon! "KAU

KAUGNAY NA BALITA: Ayaw na makatrabaho? Herlene Budol, natakot kay Mon Confiado