Tila marami raw sa mga kasali sa "Metro Manila Film Festival 2024" ang nagrereklamo dahil imbes daw na pag-usapan ang mga media conferences na isinagawa na ng bawat pelikulang kalahok dito ay natabunan pa ng "cheating issue" nina Maris Racal, Anthony Jennings, at Jam Villanueva.
Sa latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update," talagang mas matinding pinag-usapan ang pagbulaga ng isyu sa pagpasok ng Disyembre, kaysa sa mga pelikulang mapapanood sa MMFF 2024, bagama't kasali rin naman ang MaThon sa isa sa mga pelikula, ang "And The Breadwinner Is..." ng nagbabalik-MMFF na si Unkabogable Star Vice Ganda.
Bukod dito, pati raw ang statement ni Kathryn Bernardo sa "Fast Talk with Boy Abunda" patungkol sa "pain" ay na-aplay na rin sa mga nangyari.
"Don't use your pain as a reason to hurt others," sey ni Kath sa October 28 episode ng talk show ni Boy Abunda.
"Just because you're in pain, you're hurting, it doesn't mean na you have to do the same."
MAKI-BALITA: Kathryn, aminadong 'di pa rin alam kahulugan ng pag-ibig
MAKI-BALITA: 'Kahapon pa!' Kathryn Bernardo, handa na ulit magmahal
Reaksiyon naman ni Ogie, may punto naman si Kathryn pero hindi raw ito patungkol sa dalawa, kundi sinagot lamang niya ang tanong sa kaniya ni Boy.
Napag-usapan din nina Ogie at mga co-host na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang 22 segundong paghingi ng paumanhin ni Anthony Jennings, matapos ang paghingi ng sorry ni Maris Racal.
MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris
MAKI-BALITA: Maris, inamin kay Rico ang nararamdaman kay Anthony bago nakipaghiwalay