Tila nauna nang nagbigay ng pahiwatig si Jam Villanueva tungkol sa kaniyang pinagdadaanan bago pa man niya isiniwalat ang umano’y pagtataksil sa kaniya ng ex-partner niyang si Anthony Jennings.
MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
Sa TikTok account kasi ni Jam ay makikitang ni-reshare niya ang ilang video na may kinalaman sa cheating, betrayal, pain, disrespect, at girl instinct.
Pero bago pa man ito ay naging usap-usapan na rin ang makahulugang post ni Jam tungkol sa umano’y babaeng hindi dapat niya pagdudahan.
"'I will never forget your conversation with the girl you told me not to worry about.' 'I will never forget the way how I gathered my remaining strength to take screenshot while shaking badly from pain. 'The audacity to act like nothing happened as if they never disrespect and hurt people.'"
MAKI-BALITA: Umano'y cryptic reposts ng non-showbiz jowa ni Anthony Jennings, usap-usapan
Matatandaang minsan na ring napag-usapan sa showbiz-oriented vlog ni Ogie Diaz na “Showbiz Updates” ang tungkol sa hiwalayan nina Anthony at Jam.
MAKI-BALITA: Tanong ni Ogie Diaz: Anthony Jennings, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend?
Tuluyan namang tinuldukan ni Anthony ang usap-usapang ito nang aminin niyang hiwalay na sila ng kaniyang non-showbiz girlfriend matapos siyang makorner ng mga press people.
MAKI-BALITA: Anthony umaming hiwalay na sa jowa, may iginiit tungkol kay Maris