December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

FranSeth, ibinuking ang real-score nilang dalawa

FranSeth, ibinuking ang real-score nilang dalawa
Photo Courtesy: Francine Diaz (IG)

Ano na nga ba ang kasalukuyang estado ng relasyon ng tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin o kilala rin sa tawag na “FranSeth?”

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” nitong Martes, Nobyembre 26, sinabi ni Seth na bagama’t magkaibigan pa rin sila ni Francine ay mas madalas na raw silang magkausap ngayon.

“Ngayon ano kami, nag-uusap kami. I mean, iba na 'yong dating kaysa dati. Parang mas pagkatapos magtrabaho kami magkausap," saad ni Seth.

Ayon naman kay Francine, “Siguro, Tito, getting to know each other. [...] Kami naman po never naming shinowbiz ang mga sagot namin from the beginning. Very open and honest kami to everyone.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bukod dito, inamin din ni Seth na hinahatid-sundo niya si Francine kapag pumapasok at umuuwi ito mula sa school

“Nag-aaral ‘to [Francine] no’ng first year, e. Minsan, hinahatid ko siya,” aniya.

Pero nagpaalam naman daw si Seth sa mga magulang ni Francine at pumayag naman daw ang mga ito. Kaya naman, naniniwala raw siyang nililigawan din dapat ng lalaki ang mga magulang ng babaeng gusto nito.

Ayon kay Seth, “Malaking alas 'yon, e. Kumbaga makita niya okay kami ng parents niya mas lalo siyang kikiligin niyan."

Matatandaang nausisa na rin noong Setyembre 2023 ang real-score nina Francine at Seth sa vlog ni Ogie.

MAKI-BALITA: Seth Fedelin, todo-deny sa totoong relasyon nila ni Francine Diaz kahit ‘umamin’ na