Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Pangasinan dakong 5:41 ng hapon nitong Martes, Nobyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Labrador, Pangasinan, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.