December 27, 2024

Home BALITA

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'
Photo courtesy: screenshot from House of Representatives/YouTube

Mariing ipinanawagan ni House Speaker Martin Romualdez na labanan ng Kamara ang lahat ng mga akusasyon laban sa House of Representatives at sa mga paratang umano na kumakalaban higit lalo na sa demokrasya ng bansa. 

Bago tuluyang tapusin ang kaniyang pahayag, umapela si Romualdez sa kapuwa niya mga mambabatas na sama-sama raw nilang labanan ang mga akusasyong wala naman daw batayan upang masira ang kanilang reputasyon. 

"Let us rise above the distractions! Let us reject all the baseless accusations! Let us focus on what truly matters, serving the people and strengthening the institution that upholds our democracy,” anang House Speaker. 

Hinimok din niya ang mga mambabatas na manatili raw sa mga trabahong ginagawa nila at siyang kasama niya sa kinakaharap daw na pang-aatake sa institusyon ng Kamara. 

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Let us stay focused, steadfast and committed to the great job that we are doing. It is indeed an honor and a privilege fighting this battle with and for all of you,” ani Romualdez. 

Nabanggit din ni Romualdez na dapat daw mas ipaglaban pa ng lahat ng bumubuo ng House of Representatives ang katotohanan upang mas maprotektahan pa umano ang demokrasya. 

“My colleagues, I call on you to stand with me in defending this institution. Ipaglaban natin ang dignidad ng Kongreso. Ipaglaban natin ang katotohanan. Ipaglaban natin ang ating demokrasya,” giit ni Romualdez.

Samantala, kasabay ng mensaheng ibinigay ni Romualdez, ay ang paglalabas niya ng kaniyang mga pahayag laban sa umano’y banta ni Vice President Sara Duterte hinggil sa plano raw nitong ipatumba sila nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at First Lady Liza Marcos kung sakali raw na may mangyaring masama rito.

KAUGNAY NA BALITA: HS Romualdez sa banta ni VP Sara: 'Hindi ito biro at hindi normal na pananalita!'