December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe proud today and always sa 'Dada' Caloy niya

Chloe proud today and always sa 'Dada' Caloy niya

Naglabas ng appreciation at congratulatory Facebook post ang personalidad na si Chloe San Jose para sa kaniyang partner na si two-time Olympic old medalist Carlos Yulo matapos siyang parangalan ng isang lifestyle magazine dahil sa "impact" na bitbit niya sa kultura at lipunang Pilipino.

Kamakailan lamang, tinanggap ni Caloy ang award ng lifestyle magazine sa Shangri-La The Fort, Manila.

Ang nabanggit na parangal ay "Impact Award for Culture," na iginawad sa kaniya dahil sa naging impluwensya niya matapos ang pagkapanalo sa 2024 Paris Olympics.

"Honored and humbled to receive the Tatler Impact Award for Culture " ani Caloy.

Tsika at Intriga

Enrique Gil, ayaw pagbigyan ng interview si Ogie Diaz?

"Inaanyayaan ko po na patuloy natin hubugin ang kultura sa sports at suportahan ang mga atletang Pilipino " aniya pa.

Batay sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram post, kasama niya sa awarding ceremony ang jowang si Chloe San Jose.

Nag-post naman si Chloe ng kaniyang pagmamalaki para sa kaniyang jowa.

"Bursting with pride for my mahal Carlos ," mababasa sa caption ng post.

"You’ve worked so hard and poured so much of yourself into everything you do. This award is a testament to your incredible talent, passion, and heart."

"Congratulations on your Tatler Impact Award for Culture, Dada!! I’m so proud of you, today and always "

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, honored at humbled sa natanggap na Impact Award for Culture

Bukod sa nabanggit na lifestyle magazine, pinarangalan din ng isa pang magazine si Carlos bilang "Athlete of the Year."

MAKI-BALITA: 'Golden Boy' Carlos Yulo, itinanghal na Athlete of the Year!