November 13, 2024

Home BALITA National

₱793.74B budget ng DepEd sa 2025, aprub sa Senado

₱793.74B budget ng DepEd sa 2025, aprub sa Senado
Photo courtesy: Department of Education (website)

Aprubado sa Senado ang bilyong budget ng Department of Education (DepEd) sa 2025 na pinangunahan ni Budget Sponsor Senator Pia Cayetano, at dinepensahan naman ni DepEd Secretary Edgardo "Sonny" Angara noong Biyernes, Nobyembre 8.

Matapos ang masusing deliberasyon, inaprubahan ng Senado ang ₱793.74 bilyong pondo ng kagawaran sa darating na 2025, batay na rin sa ulat ng DepEd.

“Mr. President, in the past years during the budget season, we have always tried to be sustainable but also resilient to future challenges, all well considering intergenerational fairness. This is the idea that the needs of the present generation should be met without compromising the needs of the future generations,” pahayag ni Senadora Cayetano sa kaniyang sponsorship speech.

“I extend our gratitude to our Chairman of the Committee on Finance Senator Poe for granting some of the Committee’s proposals,” dagdag pa.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Saad pa ng DepEd sa kanilang ulat, matutugunan daw ng budget ang five-point agenda ng kagawaran, batay na rin sa nais tunguhin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

"The approved budget will boost DepEd’s five-point agenda under Secretary Sonny Angara that reflects the directives of President Ferdinand R. Marcos Jr., which broadly covers conducive learning environment; efficient learning delivery; upskilled teachers; employable students; and raised achievement levels," anila.

Ilan naman sa mga programa ng DepEd ang nagkaroon ng pagtaas sa pondo gaya ng Basic Education Facilities (₱36.81B), Basic Education Curriculum (₱3.69B), Early Language Literacy and Numeracy (₱106.23M), Physical Fitness and School Sports (₱479.17M), aT Implementation of the Grant of Cash allowance, Hardship Pay, and Reclassification of Positions (₱19.77B).

Bukod dito, napondohan din ang ilang ahensyang katuwang ng DepEd gaya ng National Book Development Board (NBDB), National Council for Children Television (NCCT), Philippine High School for the Arts (PHSA), National Museum of the Philippines, Early Childhood Care and Development Council (ECCD), at National Academy of Sports (NAS).

Matapos ang pag-apruba sa DepEd budget sa Senado, inaasahang dadaan na ito sa bicameral deliberations at tutungo na sa pag-apruba ng Pangulo ng Pilipinas.