December 26, 2024

Home BALITA National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.7 na lindol ang yumanig sa Surigao del Norte nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:12 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 25 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa City of Surigao, SURIGAO DEL NORTE.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.