December 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Rudy Baldwin, minsan nang napagsabihang baliw

Rudy Baldwin, minsan nang napagsabihang baliw
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT)

Tila nagkaroon ng negatibong epekto sa pagkatao ng fortune teller na si Rudy Baldwin ang abilidad na mayroon siya.

Sa latest episode ng “Toni Talks” kamakailan, inamin ni Rudy na minsan na raw siyang napagsabihang baliw dahil sa kakayahan niyang makita ang hinaharap.

“Noong una, napagsabihan akong baliw. One time, nasa ibang bansa ako, napagsabihan talaga ako no’n. Pero at the end of the day, napahiya rin sila.”

Ibinahagi kasi ni Rudy sa nasabing panayam na kahit ang kamatayan ng kaniyang mga magulang ay nahulaan niya.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

Aniya, “Sinabi ko sa parents ko ‘yon na mamamatay kayo nang sabay. Dito kayo ililibing. Dinala ko talaga sila do’n. Tapos taon-taon silang pumupunta do’n, Miss Toni. Tinitingnan nila kung may nakalibing doon.

“It’s so weird lang kasi ‘yong cemetery, marami nang naghahanap ng space. Pero ‘yong space nila, wala talagang umagaw,” dugtong pa ng fortune teller.

Ayon kay Rudy, aksidente raw ang sanhi ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang.

Matatandaang nakilala si Rudy sa mundo ng social media matapos tila magkatotoo ang ilan sa kaniyang mga prediksyon tulad ng pagdating ng mga sakuna.