December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mavy masaya para kina Kyline, Kobe

Mavy masaya para kina Kyline, Kobe
Photo Courtesy: Mavy Legaspi (IG)

Nagbigay ng reaksiyon si Kapuso Sparkle artist Mavy Legaspi sa kumpirmasyong nagde-date na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.

Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Lunes, Nobyembre 4, masaya raw siyang masaya ngayon si Kyline.

MAKI-BALITA: Kyline haba ng hair, biggest crush ni Kobe: 'We are dating!'

“The person's happy. I'm happy. Let's end the year on a good note na peaceful. What's done is done also and lahat naman masaya," saad ni Mavy.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya naman kung sakali raw na muli silang pagtagpuin, mananatili raw “civil” ang pakikitungo niya sa aktres.

“At the end of the day, we're all just looking for happiness in our life," aniya.

Sa kasalukuyan, sinusulit daw ni Mavy ang pagiging single at itinutuon ang oras sa pagpapaunlad ng sarili sa pamamagitan ng gym at diet.

Matatandaang na-link noon sa isa’t isa sina Mavy at Kyline. In fact, umugong pa nga ang balitang nagkahiwalay na umano sila.

MAKI-BALITA: From reel to real na nga ba? Kyline Alcantara, may rebelasyon sa relasyon nila ni Mavy Legaspi

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin