November 22, 2024

Home FEATURES Lifehacks

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?
Photo courtesy: Freepik/Philippine Weather System/Pacific Storm Update (FB)/Pexels

Napukaw ang atensyon ng mga netizen sa viral Facebook post ng isang netizen matapos niyang ibahagi ang sinabi sa kaniya ng isang kaibigang scientist, na maaari daw gamiting "weather forecast" ang mga namumuong bula sa pagtimpla ng mainit na kape, kung may paparating na bagyo o magiging mabuti ang lagay ng panahon.

Mababasa sa Facebook post ni Mark Vincent G. Java ang mensahe sa kaniya ng scientist friend na nagngangalang "Joy Ferriols-Pavi."

Ayon kay Ferriols-Pavi, sinabi niya kay Mark na puwede niyang i-check na kapag ang mga bula ng kape ay nabuo sa gitna ng tasa, posible raw na may low-pressure area (LPA) o paparating na bagyo. Ngunit kung ang mga bula naman ay nabuo sa paligid ng tasa, ito ay indikasyon ng magandang panahon.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Mark, founder ng Science Magic Philippines, isang grupong nagsusulong ng scientific literacy sa Filipino learners, totoong ipinadala sa kaniya ng kaibigang si Joy ang nabanggit na mensahe para pag-eksperimentuhan.

Lifehacks

BALITrivia: Bakit sinusunog ang bandila ng Pilipinas kapag ito ay luma na?

"The message was sent to me by a friend who is a teacher scientist. She wanted me to try the experiment because there was supposed to be low pressure in Cebu, where I am at (sa oras ng panayam)," aniya sa Balita.

"Teacher Joy is an esteemed educator and author of many science textbooks."

Nang matanong kung may scientific basis nga ba ang sinabi ng kaniyang kaibigang scientist, "That's what were actually trying to find out."

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa libong reactions at shares ang kaniyang post.