December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Sam Milby, natatakot malaos sa showbiz

Sam Milby, natatakot malaos sa showbiz
Photo Courtesy: Sam Milby (FB)

Inamin ni Kapamilya actor Sam Milby na dumating daw sa puntong natakot siyang malaos sa industriya ng showbiz

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Oktubre 28, sinabi niya na hindi raw “secure job” ang kaniyang trabaho kaya kailangang tanggapin na may mga bagong darating.

“This is not a secure job… you have to accept that there’s always gonna be someone new, someone better looking, someone more talented,” saad ni Sam.

Sa kasalukuyan, halos magdadalawang dekada na si Sam sa industriya. Nagsimula ang lahat ng 2005 kung kailan siya pumasok sa kauna-unahang season ng Pinoy Big Brother.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Aniya, “I only came here sa Philippines for vacation… and I’m still here after 19 years.” 

Kaya naman nagpapasalamat si Sam na nang magsimula ang kaniyang karera bilang artista noong panahon na wala pa ang social media. 

“I think a lot of learning that I’ve had, nagpapasalamat ako hindi ako nag-start no’ng social media. Because I think 'yong mga kabataan ngayon they find their identity in social media, the comments, you kinda learn to block out,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor: “When you’re there, you’re a public figure, parang people wanna bring you down, and you kind of have to learn to not be affected. I think that’s one thing but to also really love your craft.”

Matatandaang si Sam ay magiging bahagi ng Philippine adaptation ng "Mother" na may pamagat na "Saving Grace” kung saan niya makakasama sina Julia Montes, Sharon Cuneta, Janice De Belen, at marami pang iba.

MAKI-BALITA: Julia Montes, natakot sa mga co-star niya sa 'Saving Grace'