Opisyal na ang pagiging host ng broadcast-journalist na si Korina Sanchez sa hit Kapatid show na “Face To Face.”
Sa Facebook post ng TV5 nitong Martes, Oktubre 29, kinumpirma nila kung sino ang bagong mukhang haharap sa mga tagasubaybay ng nasabing programa.
“Ang multi-awarded broadcast journalist na si Ms. Korina Sanchez-Roxas ang bagong muKha na haharap tuwing hapon! Pangungunahan niya ang Pinakamala-K na Makeover ng Taon sa bagong bihis at bagong oras na #FaceToFaceHarapanTV5,” saad sa caption.
Dagdag pa nila, “Handa na ba kayong kumasa sa hamon niya: ‘May mukha ka bang ihaharap?’”
Magsisimula ang pagharap ni Korina sa “Face To Face” sa darating na Nobyembre 11.
Matatandaang bago pa man ito ay umugong na ang pangalan ng broadcast-journalist na siya ang hahalili sa TV host-actress na si Karla Estrada simula noong ipaskil ng TV5 ang art card ng programa.
MAKI-BALITA: Palit kay Karla? Korina, matunog na magiging bagong host ng 'Face 2 Face'