Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Lunes ng hapon, Oktubre 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:40 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 398 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Davao Occidental, na may lalim na 108 kilometro.
Itinaas ang Intensity Intensity IV sa Batac, Currimao, Paoay, at San Nicolas, ILOCOS NORTE, maging sa Sinait, ILOCOS SUR.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.