October 11, 2024

Home SHOWBIZ

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!
Photo Courtesy: Dennis Trillo (FB)

Hindi rin pinalampas ni Pulang Araw” star at Kapuso Drama King Dennis Trillo ang pagpatol sa nauuso ngayong croptop challenge sa social media.

Sa isang Facebook reels ni Dennis nitong Huwebes, Oktubre 10, matutungyan ang matapang niyang pagsusuot ng croptop habang gumagala sila ng misis niyang si Jennylyn Mercado sa Disneyland.

“Nagdate si Rhodora at si Dennis TrilYULO,”  saad ni Dennis sa caption. Ang “Rhodora” na tinutukoy niya ay ang karakter na ginampanan ni Jennylyn sa isang TV series ng Kapuso Network noong 2014.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Sam Verzosa, ibinuking kung saan galing ang yaman

"Isang Dennis Trillo lang tinatanggap ko mag crop top "

"bakit ganon ang hot ng dating pag sya nagsuot ng croptop"

"Feel na feel Naman ni Dennis naalala ko tuloy Yung my Husband's Lover hahaha. Ingat ka Jen, Malaya na si Tom ahahaha"

"Nakiuso si Colonel Yuta "

"Mga idol idol nyo dn pla c caloy"

"Guapo nman at pretty so nice partner"

Matatandaang kamakailan lang ay pinag-usapan din ng madlang netizens ang pagsusuot ng croptop ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

MAKI-BALITA: Chloe, inurirat kung crop top niya suot ni Caloy

MAKI-BALITA:  KILALANIN: Male personalities na 'slaying' sa pagsuot ng crop top