October 04, 2024

Home SHOWBIZ

Robi Domingo, hiniling ang paggaling ng asawa

Robi Domingo, hiniling ang paggaling ng asawa
Photo Courtesy: Robi Domingo, Maiqui Pineda (IG)

Bukod sa magkaroon ng anak, kabilang din sa hiling ni TV host Robi Domingo sa 35th birthday niya ang gumaling ang kaniyang asawang si Maiqui Pineda.

Sa latest Instagram post ni Robi kamakailan, sinabi niya na bago magka-baby, gusto niyang mawala muna ang sakit ng mahal niyang misis.

“First thing first, I want Maiqui's sickness to be gone So, we can go back to our original plan. It’s my wish for my birthday. It's not for me anymore,” saad ni Robi.

Sa unang bahagi ng kaniyang video, inihayag niya ang kagustuhan niya na magkaroon na ng anak kay Maiqui.

ALAMIN: Viral OOTD ni Carlos Yulo, magkano nga ba?

“My plan in the next five years is to be a better house-band and husband and hopefully next year when the Lord permits it and when her condition permits it—depende sa clearance ng doctor—I hope to introduce you to a baby Robi as well or baby Maiqui. Or why not twins? Him, her,” aniya.

MAKI-BALITA: 'It's hard!' Robi Domingo, gusto nang maging ama

Gayunman, kung hindi pa raw maibibigay sa ngayon, umaasa siya na matutupad din ito balang-araw.

Ayon sa TV host: “Maybe it's not time yet. Not yet. But I'm hoping na mangyari 'yon.”

Matatandaang ibinahagi ni Maiqui noong Agosto 2023 ang dahilan ng pagkakaratay niya sa ospital sa pamamagitan ng Instagram post.

MAKI-BALITA: Fiancée ni Robi Domingo may rare autoimmune disease