Isang magnitude 4.7 na lindol ang tumama sa Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Setyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:17 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 399 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 152 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang madudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.