September 23, 2024

Home SPORTS

First win for Coach Sherwin! NU pinataob ang Iran sa AVC

First win for Coach Sherwin! NU pinataob ang Iran sa AVC
Photo courtesy Asian Women’s Club Volleyball Championship (AVC)

Nagpakitang-gilas ang National University-Monolith matapos bigyan ng international first winning game si Coach Sherwin Meneses.

Pinataob ng Sky Risers ang Saipa Club ng Iran sa loob ng apat na set, 25-19, 25-18, 19-25, 25-18 upang simulan ang kanilang kampanya sa 2024 Asian Women’s Club Volleyball Championship Pool B ngayong Linggo, Setyembre 22, 2024 sa Chathai Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Maagang dinomina ng NU-Monolith ang first set na agad umarangkada sa 11-5 na kalamangan at nagtayo ng pinakamalaking bentahe na 23-15 matapos ang isang off-the-block attack ni Vange Alinsug.

Nagawa ng NU-Monolith na ulitin ang kanilang magandang laro sa ikalawang set, ngunit nahirapan sila sa ikatlong set habang bumawi ang Saipa Club dahilan upang maextend ang laro sa four-setter match-up.

Jowa ni EJ Obiena sumama sa cleanup drive sa Pasay; ikinumpara kay Chloe

Bahagyang dumikit ang laban sa fourth set matapos tumable sa 16-all ang laban na agad namang tinugunan ni NU reigning MVP Bella Belen matapos ang 9-2 run upang maiuwi ang unang panalo sa liga.

Matatandaang ito ang unang pagkakataon na hinawakan ni Coach Sherwin ang NU matapos magbitiw ni Coach Norman Miguel na ngayo’y head coach na ng Chery Tiggo Crossovers.

Kate Garcia