September 23, 2024

Home SHOWBIZ

Carlos Yulo, ready na bang maging tatay?

Carlos Yulo, ready na bang maging tatay?
Photo Courtesy: Carlos Yulo (FB)

Nabanggit ng two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast na si Carlos Yulo ang tungkol sa posibilidad na maging ama in the near future.

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Setyembre 22, naitanong kay Carlos kung ano raw ang naibibigay ng relasyon nila ni Chloe San Jose sa kanilang dalawa.

“Peace and ‘yong motivation na gawin ‘yong mga gusto kong gawin sa buhay ko po,” sagot ni Carlos.

Dagdag pa niya: “And siyempre like in the future, kung magkapamilya na po kami. Kasi gusto ko pong magkaroon ng baby po. Gusto kong maging tatay po, e.”

Relasyon at Hiwalayan

Caloy, nag-i love you agad kay Chloe kahit 10 days pa lang magka-talking stage

Sundot naman ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga: “Ready ka na at 24?”

“In the future naman po,” tugon ng Filipino gymnast.

Kaya naman masasabi raw ni Carlos na si Chole na ang ‘ika nga’y “the one” sa buhay niya.

Matatandaang binalikan ng mga netizen noong Agosto ang lumang TikTok post ni Chloe kung saan ibinuking nito ang sarili na siya ang nag-first move para mapansin ni Carlos.

MAKI-BALITA: Jowa ni Carlos Yulo, unang 'nagda-moves' sa kaniya