September 21, 2024

Home SHOWBIZ

David Licauco, nami-miss si Maria Ozawa!

David Licauco, nami-miss si Maria Ozawa!
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Maria Ozawa (IG)

Nakakaloka ang sagot ni Pambansang Ginoo at “Pulang Araw” star David Licauco sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.

Kabilang kasi sa mga naitanong ni Boy kay David ay kung nangungulila ba siya kay Japanese adult-film actress Maria Ozawa.

“Guilty or not guilty, nami-miss si Maria Ozawa?” usisa ni Boy.

Sagot naman ni David: “Guilty.”

Wish ni Ogie Diaz kay Liza Soberano: 'Sana magising na'

Matatandaang si Maria ay gumanap din sa “Pulang Araw” bilang ina ni David. Inamin naman ng Pambansang Ginoo na humanga raw siya nang unang makita ang beauty ng Japanese adult-flim actress. 

MAKI-BALITA: 'Nagkita na!' David Licauco, na-starstruck kay Maria Ozawa

Pero bago pa man ito, nag-trending si David sa isang episode ng “Family Feud” noong Enero 2024 matapos niyang isagot ang pangalan ng Japanese adult-film actress bilang kilalang “Maria.”

MAKI-BALITA: 'Only legends know!' Sagot ni David Licauco sa 'Family Feud,' kinaaliwan

Kasunod nito ay nagbigay ng reaksiyon si Maria sa sagot na ito ng aktor na ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang Instagram story.

MAKI-BALITA: Alams na! Maria Ozawa kay David Licauco, 'He's so cute!'