Balik-news reporting na ang dating viral na GMA Integrated News reporter na si Nico Waje matapos ang ilang pamamahinga sa limelight.
Noong Abril 10, nag-post si Nico na tila nasa isang studio siya, na tila nagbabadyang balik-news reporting na ulit siya pero hindi bilang field reporter kundi bilang isang news anchor, bagama't walang nakalagay na impormasyon at detalye tungkol dito.
"Mahal ka palagi ni Lord, Joven," mababasa sa caption ni Nico.
Ang pangalang "Joven" ay pangalawang pangalan ng news personality.
Sa comment section, marami naman ang nagpaabot ng pagbati para sa kaniya.
May mga kumalat na espekulasyong sa "Bilyonaryo News Channel" siya lumipat.
Pero nitong Lunes, Abril 13, nilantad ni Nico na siya ang anchor/host ng programang "Customs Check Pilipinas."
Mapapanood ito tuwing Lunes sa social media platforms nito gaya ng Facebook at YouTube channel.
"Ano, tara? Ito muna sa ngayon. Bigger things will come soonest. And I thank the Lord for everything," saad ni Nico sa kaniyang FB post.
Pormal na rin siyang ipinakilala para sa nabanggit na programa.
"Ang hinihintay nating lahat, narito na! Samahan ang ating host na si Nico Waje sa pinakaunang episode ng CUSTOMS CHECK—ang inyong boses at gabay sa Bureau of Customs," mababasa sa post.
Ang nabanggit na programa ay binuo para sa mga may reklamo at katanungan sa mga transaksyon sa Bureau of Customs (BOC), sa mga paliparan at pantalan.
Ang BOC ay nasa ilalim ng Department of Finance.
Kasabay nito, usap-usapan naman ang cryptic Instagram stories ng dati niyang kasamahan sa GMA news na si Athena Imperial, na ikinokonekta naman sa kaniya ng mga netizen.
Maki-Balita: 'Nakita ni Lord ginawa mo!' Cryptic posts ni Athena Imperial, kinonek ng netizens kay Nico Waje
Matatandaang palaisipan pa rin sa mga netizen ang tunay na dahilan kung bakit wala na sa GMA Network si Nico, na naging viral dahil sa kaniyang kinakiligang looks habang nag-uulat sa lagay ng panahon.
Maki-Balita: GMA news reporter, nagpakilig sa netizens habang nagbabalita
Bago nito, lumabas naman ang isang blind item tungkol sa isang male news personality na umano'y inaakusahan ng isang mabigat at maselang reklamo
Napaulat din ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na sa isang event, ipinakilala raw si Nico bilang "former GMA news reporter" bagay na ikinagulat naman ng fans, supporters, at netizens.
Bandang Enero 2026, makalipas ang halos tatlong buwan, muling nagparamdam sa TikTok ang dating GMA news reporter na umani ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
Sa video, makikitang nilalaro ng news reporter ang kaniyang pet dog.
Maririnig naman ang background music ng video mula sa awiting "Babaero" ng Syntetiko, tampok ang lyrics mula sa chorus nito, na nli-lip sync din niya.
Saad sa lyrics, "Dapat mo nang malaman na wala lang ang mga sinasabi ng makakating labi. At ba-babaero pangalan ko sa kuwento nilang walang pruweba puro lamang imbento Oh, ba-babaero, ba-babaero, ba-babaero daw ako. Di naman totoo, yeah, hindi naman totoo, 'di naman totoo."
May ilang mga nagbunyi sa pagiging aktibo niya ulit sa social media, may ilang mga nangumusta, pero hindi rin mawawala ang mga nang-urirat tungkol sa intriga.
Sabi ng isang netizen, "been so long. i hope it is not true. rooting for you."
Tumugon naman dito si Waje ng tatlong "finger heart" emojis.
Narito naman ang ilan pa sa mga usisa at tanong ng netizens:
"Hindi totoo?"
"Kumusta na po kayo ng asawa niyo?"
"naka balik na sya guys! I hope you are okay."
"Batch mate ko to sa sja pero sympre hindi totoo crush namin to nun pa gentle man pa."
"i met him in a presscon, he's very approachable and humble. so when the issue broke out, we were shocked. good thing he's back— unbothered and stronger."
"Boss Nico, Official statement sna para wla nang mga issue marites. I started following u since SFT."
Maki-Balita: 'Hindi totoo!' Nico Waje, pasimpleng winalis intriga tungkol sa kaniya?
Samantala, wala pang reaksiyon, komento, at direktang opisyal na pahayag si Nico patungkol sa mga intrigang ipinupukol laban sa kaniya.